Mga Kilala at Sikat na mga Kapampangan
Ang Pampanga ay hitik na hitik sa mga taong naguumapaw sa talento. Napakaraming mga indibidwal na nanggaling sa Pampanga na ngayon ay kilala na sa buong mundo dahil sakanilang katangi-tanging talento.
Isa na rito si Allen Pineda Lindo o mas kilala bilang Apl.de.Ap na nakilala sa buong mundo dahil sakanyang pag-awit. Bata pa lamang siya ng ipinadala siya ng kanyang pamilya sa Amerika dahil sa sobrang kahirapan. At dahil sa kanyang pagkanta at pagsusumikap nakilala siya doon at di kalaunan ay nakabuo siya ng sariling banda at tinawag itong Black Eyed Peas.
Isa pang personalidad na galing sa Pampanga ay si Efren "Bata" Reyes. Bata pa lamang si Efren nang ipinaampon siya sakanyang tiyo dahil sa kahirapan. Sa tabi ng bahay ng kanyang tiyo mayroong bilyaran doon at doon siya nagpapalipas ng oras. Mulang edad walo ay naging laman ng bilyaran si Reyes, at nagsimulang humawak ng tako pagtuntong ng edad siyam. Hindi maglalaon ay matututo si Reyes, at gaya sa bilyar, ay sasarguhin ang mga kalaban at uuwing hitik sa salapi ang bulsa makaraang magwagi sa mga pustahan. Nangarap si Reyes na maging kampeon at ito ay natupad dahil sa kanyang pagsusumikap.
Sikat din ang batang si Ryzza Mae Dizon siya ay galing sa mahirap na pamilya at nakatira noon sa Pampanga. Sa murang edad, sumali si Ryzza sa isang paligsahan sa Eat Bulaga at siya ay nanalo. Sunod-sunod na noon ang kanyang mga nakakamit na tagumpay. At naiangat niya na ang kanyang pamilya sa kahirapan.
Iilan lamang ito sa mga Kapampangang nagpakita ng talento at nakilala sa Pilipinas at sa Buong Mundo. Marami pang natatanging indibidwal ang nakatira sa Pampanga.