Mga Ipinagdiriwang o Piyesta sa Pampanga
Ang lalawigan ng Pampanga ay itinuturing bilang “Culinary Capital of The Philippines” Ngunit hindi lamang pagkain ang maaaring puntahan dito, sapagkat dinarayo din ng iba’t-ibang tao, pati na sa ibang bansa ang mga iba’t-ibang pagdiriwang dito.
paminsan-minsang mga babae ay literal na ipinapako sa krus sa isang pansamantalang Calvary sa
isang kakila-kilabot na re-enactment ng pag-ibig at pag-kamatay Ni Hesukristo sa krus.
- Isa na rito ang pinaka dinarayo, ang Philippine International Balloon Festival. Ginaganap ito tuwing ika-10 hanggang 13 nang Abril, sa Lubao Pampanga. Iba’t-ibang makukulay na hugis ng lobo ang tampok rito. Mahigit 500 na tao ang dumarating dito taon-taon, hindi lamang taga Pilipinas kundi pati taga ibang bansa ay dinarayo ito
- Ang pista ng Nuestra Señora del Santisimo Rosario de La Naval de Angeles ay isa sa pinaka-enggrandeng piyesta sa Pampanga. Ginaganap ito sa Holy Rosary Parish Church, isa rin itong lumang simbahan sa Pampanga. Tuwing sasapit ang ikalawang linggo ng Oktubre, libu-libong deboto ang dumarayo dito, tila ba isang dagat ng tao ang makikita tuwing maglalakad na ang prusisyon nito.
- Ngunit hindi papatalo ang Tigtigan Terakan Keng Dalan kung bilang ng tao ang paguusapan. Sapagkat nito lamang taon mahigit 70,000 katao ang dumalo. Ginaganap ito tuwing ika-huling biyernes at sabado ng Oktubre. Ginaganap ito sa malawak na kalye sa Balibago. Dito masaya at mapayapang nag-iinuman, nag-sasayawan, at nag-kakantahan, ang mga tao. Mayroon ding nagaganap na live band ang iba’t-ibang artista dito.
- Iniilawanng mga taga SanFernando ang mga naglalakihang parol tuwing darating ang Pasko. Ang mga parol na ito ay umaabot hangang 20 feet o higit pa. Ginaganap din dito ang paligsahan ng mga parol na tinatawag na Ligligan Parul, nakaka-aliw Makita ang kumukutikutap na mga ilaw sa saliw ng isang pamaskong musika. Tinagurian ding Christmas Capital of The Philippines ang San Fernando, Pampanga.
- Isang eksena ang tampok sa Santa Cruzan sa iba’t ibang partikular na lugar. Habang nag-puprusisyon, haharapin ng Goydo, isang hindi kristiyanong kabalyero, si Reyna Elena at ang kanyang mga kasamahan, at pipigilan niya ang mga ito sa paghahanap sa krus. Sa dulo ng eksena nagging kristiyano din ang Goydo.
- Kakaibang pagtitipon naman ang ipagdiriwang tuwing ika biyernes-santo sa Cutud, Pampanga. Tinatawag itong Maleldo o San Pedro Cutud Lenten Rites. Sa mainit, mahalumigmig, at maalikabok na parang sa SanPedro Cutud, sa labas ng lungsod, higit sa 20 mga kalalakihan at ang
paminsan-minsang mga babae ay literal na ipinapako sa krus sa isang pansamantalang Calvary sa
isang kakila-kilabot na re-enactment ng pag-ibig at pag-kamatay Ni Hesukristo sa krus.