Mga Sikat na Paaralan dito sa Pampanga
Kayo ba ay nahihirapang mamili ng paaralang inyong mapapasukas? Nais niyo bang magkaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon at maranasan ang iba't-ibang saya at mapupulutan ng aral sa loob ng magandang paaralan. Aba! Halina't silipin natin ang ilang paaralang tiyak na makakapasa sa inyong kalidad sa Pampanga!
Holy Angel University - ito na siguro ang paaralang para sainyo, lalo na kung kayo ay isang katoliko o isang taong makadiyos. Ang HAU ay isang pribado at katolikong unibersidad sa Angeles City, Pampanga. Ang motto ng paaralang ito ay: "Laus Deo Semper: Praise God Always".
New Era University- ang paaralang ito ay isang pribadong institusyonal sa Pilipinas, na pinapatakbo ng Iglesia Ni Cristo. Ang pangunahing campus nito ay sa Quezon, City ngunit mayroon na ring campus ito sa Pampanga na matatagpuan sa Lungsod ng San Fernando. Ang prinsipyo ng paaralang ito ay: "Goodliness is the foundation of knowledge"
Systems Plus College Foundation - ito ay isang pribadong paaralan na natagpuan 20 taon nang nakalipas. Ang mithiin o goal nito ay makapagprovide ng excellence in the fields of instruction, research, and extension services. Ang SPCF patuloy na pinauunlad at isinakatuparan ang kanilang mithiin. Ang paaralang ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Angeles.