Mga Pasyalan sa Pampanga
Matagal nang sikat ang aking bayan dahil sa mga nakatatakam na mga putahe dito, ngunit hindi lamang pagkain ang masarap dito sapagkat simula ng pumutok ang bulking Pinatubo, tila inagos narin lahat ng mga amerikano at nagsimula nang magsimula ng mga negosyo ang mga tao rito na hindi umaasa sa mga amerikano.
- Ilang mga sikat na pasyalang maaaring puntahan sa Pampanga ay matatagpuan sa loob ng Clark tulad ng: Nayong Pilipino, Hot Air Balloon na ginaganap taun-taon, piknikan, at kung mahilig ka sa sugal, meron ding Casino na matatagpuan sa loob ng Clark. Siyempre, meron ding mga mapapasyalan na wala sa loob ng Clark.
- Matatagpuan sa aming bayan ang ilang mga sinaunang gusali na itinayo nuong panahon pa ng mga Kastila. Isa sa mga ito ay ang Mansyon ng mga Pamintuan kung saan nagsilbi itong Palasyo ng Pangulong Aguinaldo nang gawing sentro ng Pamahalaan ang lungsod ng Angeles. Ang iba pang mga lumang gusali ay ang Bale Herencia na noong pang 1860, Camalig na noon pang 1840, Bahay nina Don Angel Panteleon de Miranda na noon pang 1824, at ang isa mga pinakamatandang simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang Simbahan ng Santo Rosario na ginawa mula nuong 1877 hanggang 1896.
- Meron din kaming museo, ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga lumang larawan, mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa Pampanga at iba pang mga eksibit tungkol sa kasaysayan ng Angeles. Ngunit ang Museo ay hindi kilala ng pamahalaan bilang national historical sites sa Pampanga.
- Tampok ngayon sa isang parke sa Pampanga ang tinaguriang ‘Biggest Ferris Wheel in The Country’ na umaabot sa taas na 200 na talampakan. Matatagpuan ito sa Sky Ranch.